Philippine Embassy sa Morocco, walang natatanggap na ulat ng mga Pinoy na namatay sa lindol
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng embahada ng Pilipinas sa Morocco sa iba’t ibang lider at mga coordinator sa nasabing bansa para alamin ang kalagayan ng mga pinoy matapos ang lindol.
Pero sa pinakahuling abiso ng Philippine Embassy ay wala pa itong natatanggap na mga ulat ng mga pilipino na nadamay sa Morocco earthquake.
Batay sa report na natanggap ng embahada mula sa moroccan interior ministry, umaabot na sa 2, 122 ang nasawi habang 2,421 ang sugatan.
“Moroccan interior ministry reports that as of 10 september 2023, 2,122 people have died from the earthquake and 2,421 were injured. As of the moment, the embassy has received no reports of any filipino being affected by the earthquake. It is in touch with leaders and coordinators in various areas of morocco.” pahayag ng Philippine Embassy sa Morocco.
Maaari namang tawagan ang embahada sa kanilang hotline o kaya ay official facebook page para sa mga tanong at emergencies.
“For any emergencies or queries, the embassy can be contacted through: +212694202178 or fb Philippine Embassy in morocco” dugtong pa na pahayag ng embahada ng Pilipinas sa Morocco
Moira Encina