Philippine genome center , pinakilos na ng IATF para malaman kung nakapasok na sa bansa ang Omicron variant ng COVID-19 – Malakanyang
Inatasan na ng Inter Agency Task Force o IATF ang Philippine Genome Center para malaman kung nakalusot na sa bansa ang bagong Omicron variant ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na dapat paigtingin ng Philippine Genome Center ang genomic surveillance sa pamagitan ng sequencing sa mga specimen samples na mula sa mga molecular laboratories.
Ayon kay Nograles dalawa ang tinututukan ng IATF na posibleng kaso ng Omicron variant sa bansa una ay imported o dala ng sinumang galing sa ibang bansa na nakapasok sa Pilipinas at ang local cases o local transmission.
Inihayag ni Nograles sa sandaling makapasok sa bansa ang Omicron variant ng COVID-19 ay magkakaroon ng pagbabago sa mga ipinatutupad na restrictions upang maagapan ang pagkalat ng panibagong pandemya ng COVID- 19.
Vic Somintac