Philippine Heart Association, kaisa sa pagpapataas ng sin tax partikular sa tobacco products
Sakit sa puso pa rin ang nangungunang sanhi ng kamatayan ng tao sa Pilipinas at maging sa buong mundo.
Ito ang binigyang diin ni Dra. Nanette Rey, presidente ng Philippine Heart Association o PHA.
Kung kaya naman, kailangan ang Universal Health Care o UHC upang makatulong sa mga dinadapuan ng sakit sa puso.
“Marami ang nakakaalam pero marami pa rin ang hindi na ang number one killer po ng mg pilipino at hindi lamang ng mga pilipino kundi sa buong mundo ay sakit sa puso. that has been the situation for the past 20 years…and ang hindi rin po nalalaman ng marami usually smoking is correlated with lung problems…but what they dont know it is very highly correlated po sa sakit sa puso”
Kaugnay nito, sinabi ni Dra. Rey na kaisa ang PHA sa pagsusulong sa pagpapataas ng presyo ng tobacco products upang mapondohan ang Universal Health Care.
Inaayunan din anya nila na itaas pa ang presyo ng bawat pakete ng sigarilyo sa nubenta pesos.
Naniniwala ang PHA na magiging daan ang pagtaas ng presyo ng sigarilyo at buwis sa tobacco products upang mapababa ang bilang ng mga taong naninigarilyo.
Kapag naaprobahan ang pagtaas ng buwis ng tobacco products tiyak umano ang pondo para sa gugulin ng universal health care na may malaking maitutulong sa kapakanang pangkalusugan ng mamamayan.
Ulat ni Bel Surara