Philippine Heart Association suportado ang advocacy ng fit-fil movement na national weight loss challenge
Sa pagunita ng 48th Philippine Heart Association o PHA annual convention mula Mayo a 23 hanggang 26, 2017, inilunsad din ng fit filipino o fit-fil movement ang national weight loss challenge.
Sinabi ni Dr. Raul Lapitan, presidente ng PHA na suportado nila ang naturang challenge upang makatulong sa paglutas sa obesity at overweight problem ng bansa.
Ayon kay Dr. Lapitan, isang global crisis ang obesity, at ang Pilipinas ang isa sa mga developing countries na may pinakamataas na level ng obesity.
Inihayag din ni Dr. Lapitan nag commit ang PHA sa nasabing challenge na mag donate ng at least 2,500 pounds. ito ay reaslistic figure at sisikapin nilang ito ay matugunan.
Binigyang diin pa ni Dr. Lapitan na ang national weight loss challenge ay sa pangunguna ng fitness coach na sina coach Jim at Toni Saret, at ang advocacy naman nila ay tinawag na fit-fil movement na naglalayon na matulungan ang kapwa Pilipino na magtaglay ng isang masigla, malakas at malusog na pangangatawan.
Ulat ni: Anabelle Surara