Philippine Heart month, ipinagdiriwang….Healthy lifestyle, dapat na panatilihing gawin
Ipinagdiriwang sa buwang ito ng Pebrero ang Philippine heart month batay sa Presidential proclamation no. 1096 na nilagdaan noong Enero 9, 1973 sa ilalim ng Marcos administration.
Layon nitong maitaas pa ang awareness ng publiko tungkol sa sakit sa puso bilang isang seryosong suliraning pangkalusugan ng bansa na dapat bigyang atensyon.
Ang mga aktibidad na nakalinya sa nasabing pagdiriwang ay pangungunahan ng Department of Health o DOH at ng Philippine Heart Association sa pakikipagtulungan ng Heart foundation of the Philippines.
Samantala, ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA, tumataas ang builang ng mga Pilipinong namamatay dahil sa sakit sa puso.
Ayon sa mga eksperto, isang silent killer ang sakit sa puso at marami ang nabibiktima nito taun-taon.
Kaya naman mahalagang pagtuunan ng pansin ang pangangalaga sa puso upang maiwasan ang mga sakit gaya ng stroke na pangalawa sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa.
Payo ng mga eksperto, galaw, galaw upang hindi pumanaw. Higit sa lahat ay mahalin ang pusong nagmamahal……mag-healthy lifestyle na.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===