Philippine images, food, arts and culture, itinampok sa London
Bumida ang mga naggagandahang isla, heritage places, endeminc animals at iba pang simbolo ng Pilipinas sa mga digital screens at static posters sa Canary Wharf mall sa London kamakailan.
Ayon sa Department of Toursim o DOT, bahagi ito ng tourism showcase ng Pilipinas upang ipakilala ang “It’s more fun in the Philippines” brand sa mga Londoners.
Ayon kay London Tourism attache Gerry Panga, napili nila ang Canary wharf station dahil ito ay dinarayo ng halos 1.2 milyong katao sa loob ng isang linggo at naroroon rin ang mga opisina ng halos 100 libong mga working professionals.
Layon rin ng nasabing proyekto na maengganyo ang mga British consumers at iba pang nasyonalidad na makilala ang Pilipinas hindi lamang bilang isang leisure destination kundi maging isang business haven rin.
Bukod sa mga magagandang imahe, nagkaroon rin ng pagkakataon ang mga dayuhan na matikman ang mga food specialties at delicacies ng Pilipinas gaya ng turon, ube at meron ring Mango at Macapuno ice cream.
Itinampok rin ang mga cultura dances at at sining ng bansa.