Philippine Medical Association, nanawagan sa publiko na ibalik ang tiwala sa pagpapabakuna
Sa nakalipas na panahon ay maraming bilang ng mga batang dinapuan ng tigdas ang namatay.
Isinisisi ito sa hindi pagpapabakuna ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Ayon kay Dr. Benny Atienza, Vice-President ng Philippine Medical Association o PMA, ang kanilang asosasyon ay nakikiisa sa pamahalaan upang maibalik ang kumpiyansa ng publiko sa pagpapabakuna.
Dr. Benny Atienza:
“Nakikiisa po sa layunin ng ating gobyerno na mabakunahan lalo na ang mga bata at ibalik ang kumpiyansa sa pagbabakuna hindi po ung bakuna ang nakakasave ng lives ung pagbabakuna nandiyan po ung bakuna kailangan po tayong magpabakuna kasi ito po ang isang imbensyon na ginawa para sa ating mamamayan na importante kasi mape prevent po ung sakit.”
Ayon pa kay Atienza, hindi dapat na ipagwalang bahala ang pagpapabakuna dahil ito ay alinsunod na rin sa Republic Act no. 10152.
Samantala, binigyang -diin naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahusay para sa kalusugan ng mga bata ang bakuna bilang proteksyon sa tigdas, polio at hepatitis.
Ulat ni Belle Surara