Philippine Passport Law, pinaaamyendahan sa Senado
Pinaaamyendahan ni Senador Francis Tolentino sa Senado ang Philippine Passport Act para protektahan ang karapatan ng mga Overseas Filipino Worker.
Nais ni Tolentino na palakasin ang kapangyarihan ng Department of Foreign Affairs at iba pang ahensya ng pamahalaan para ipagtanggol ang mga manggagawa sa ibang bansa.
Sabi ni Tolentino dapat ipadeklara ng DFA na iligal at labag sa batas ang pangongolekta ng pasaporte ng mga Pinoy habang may kasalukuyang kontrata.
Giit ng Senador isa ito sa nagiging daan ng pang-aabuso lalo na sa mga domestic worker.
Ayon kay Tolentino, maaari naman itong i-relay ng DFA sa pamamagitan ng Bilateral exchanges sa kanilang counterpart para matigil na ang pang-aabuso at pananamantala lalo na sa mga babaeng domestic worker.
Meanne Corvera