Philippine Pharmacist Association , umapela sa publiko na iwasang bumili ng gamot online
Laganap ang online selling sa kasalukuyan.
Maski anong bagay ay maaaring mabili online, pagkain, gamit sa bahay , maging ang gamot .
Ayon kay Dr. Yolly Robles, Presidente ng Philippine Pharmacist Association (PPA), ang mga gamot na nabibili sa internet ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.
Bukod dito, binigyang-diin pa ni Robles na wala umanong katiyakan kung peke o hindi ang nabibiling gamot online .
Payo pa ni Robles, bumili ng gamot sa mga lisensyadong botika upang hindi malagay sa panganib ang kalusugan.
Ulat ni Belle Surara
Please follow and like us: