Philippine Ports Authority magsasagawa ng damage assessment sa mga pantalan na naapektuhan ng Bagyong Ulysses
Ipinag-utos ni Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago ang pagsasagawa ng damage assessment sa mga pantalan sa mga lugar na dinaanan ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay Santiago, ito ay upang masigurong nasa maayos na kundisyon ang pasilidad sa mga pantalan para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero at stakeholders.
Paliwanag ng opisyal kailangang masiguro na operational ang mga pantalan.
Partikular na aniya sa mga lugar na tinamaan ng malalakas na bagyo gaya ng Bagyong Rolly gaya ng Bicol Region.
Please follow and like us: