Philippine Red Cross magtatayo ng oxygen plant
Pinag aaralan na ng Philippine Red Cross ang pagtatayo ng Oxygen gerenating plant sa Pilipinas.
Sa harap ito ng dumaraming kaso ng nahahawa sa COVID-19.
Sinabi ni Senador Richard Gordon na Chairman ng PRC na bagamat maaring tumagal ng pito hanggang walong buwan ang pagtatayo ng ganitong pasilidad makakatulong naman ito para agarang pangangailangan ng mga pasyente.
Mas mabuti na aniya ang handa para hindi matulad ang pilipinas sa sinapit ng India kung saan maraming namatay.
Pinaiimbestigahan naman ni Gordon sa Department of Trade and Industry ang umano’y pananamantala ng ilang negosyante na nagbebenta ng oxygen.
Sumulat na ang Senador kay Trade Secretary Ramon Lopez para imbestigahan ang katotohanan sa mga report na mula sa three hanggang seven thousand na oxygen tank, tumaas na ito ngayon sa 13 hanggang 25 thousand kada tangke.
Meanne Corvera