Philippine Red Cross, nagtayo ng Measles care unit sa San Lazaro Hospital

 

Itinayo ng Philippine Red Cross sa San Lazaro Hospital ang isang Measles care unit.

Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa pa ng mga pasyente na posibleng may tigdas.

Layon ng itinayong Measles care unit na mapaluwag ang San Lazaro Hospital at makapagbigay ginhawa sa mga pasyente.

Ang Measles Care unit ay isang outdoor hospital setup na air-conditioned, may double deck beds, chairs, mini-emergency room at mayroon ding admission area.

Mayroon ding welfare desks ang mga tents para malaman ang pangangailangan ng mga pamilya.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *