Philippine Red Cross, umalma sa pahayag ni Pangulong Dueterte na mukha silang pera
Umalma si Senador Richard Gordon at tinawag na “unpresidential” ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mukhang pera ang Philippine Red Cross matapos ang nauna nitong desisyong itigil ang Covid-19 testing dahil sa nagpatong-patong na utang ng PhilHealth.
Ayon kay Gordon, walang katotohanan ang paratang ng Pangulo at dapat mag-ingat ito sa pagbibitiw ng kaniyang pahayag..
Natural lang aniya na maningil ang PRC dahil nakasaad ito sa kasunduan at wala naman silang tinantanggap na anumang tulong pinansyal mula sa gobyerno para tustusan ang kanilang relief at humanitarian efforts.
Senador Richard Gordon:
“I don’t think we deserve it its not true we are helpiing the govt for so long the govt has to work with us because it is the Law Appropriations fundamental principle and that we are partner in Disaster human dignity. I’m not offended…President should be careful because minsan hindi niya alam statement is not really presidential“.
Pero paglilinaw ng Senador wala siyang sama ng loob sa Pangulo at maaaring nabigyan lang ng ito ng maling impormasyon ni Health secretary Francisco Duque.
Sa report kasi aniya ng kalihim sa Pangulo, sinabing nag-resume na ang operasyon ng PRC matapos magbayad ng inisyal na 500 milyong piso.
Kung talaga umanong mukhang pera ang PRC, maaaring sinamantala ang sitwasyon at itinaas ang bayad sa swab testing pero nagdesisyon pa nga silang ibaba ito hanggang 3,200 pesos.
Sinabi pa ni Gordon na maayos naman aniya ang usapan nila ngayon ni Philhealth President Dante Gierran,katunayang regular na itong nagpapadala ng bayad sa PRC.
Ang Philhealth ay may balanse pa aniyang aabot 377 million pesos.
Samantala, sinabi pa ni Gordon na nagpadala na ang iba’t- ibang sangay ng Red Cross sa mga bansa sa buong mundo para matulungan nila ang mga naapektuhan ng bagyong Rolly lalo na ang mga nasawak ang tahanan.
Meanne Corvera