Philippine Studies Program ipatutupad sa isang unibersidad sa Thailand
Lumagda ng kasunduan ang Pilipinas at ang
Thammasat University sa Thailand para sa implementasyon ng Philippine Studies Program doon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakatuon ang programa sa mga aktibidad para mapaigting ang people-to-people relations sa pagitan ng Pilipinas at Thailand.
Kabilang na rito ang academic exchanges, lecture series, research grants, enhancement ng Filipiniana collection, at iba pang proyektong may kaugnayan sa kasaysayan, kultura, at lipunan ng Pilipino.
Si Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz Paredes at Dr. Passapong Sripicharn, Dean ng Faculty of Liberal Arts ng Thammasat University ang pumirma sa donation agreement.
Pinuri ni Ambassador Paredes ang Thammasat University sa pagiging instrumento sa pagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at Thailand.
Aniya, oportunidad ang Philippine Studies Program para mapagaralan at maranasan ng Thai students at faculty ang wika, kultura, at kasaysayan ng Pilipinas.
Moira Encina