PhilSys ID, hindi maaaring tanggihan ng mga institusyon at establisimyento ayon sa PSA

File photo (pna.gov.ph)

Kailangang kilalanin sa lahat ng public at private transactions na nangangailangan ng kumpirmasyon ng pagkakakilanlan ng isang tao, ang Philippine Identification (PhilID) o national ID.

Ito ang muling binigyang diin ng Philippine Statistics Authority (PSA), matapos patuloy na makatanggap ng mga ulat na may ilang pribadong mga kompanya at ahensiya ng gobyerno ang tumatangging kilalanin ang PhilID.

Batay sa post ng PSA noong December 13 . . . “Your Philsys national identification card is valid and can be used for any legal transactions. This is a memo from the Philippine Identification System of the Philippine Statistics Authority that mandates that your PhilSys national ID should be accepted for customer identification and verification in any bank transactions in the Philippines. No institutions or establishments should refuse your PhilSys national ID card or they will be penalized.”

Paulit-ulit na ring nagpalabas ng paalala ang PSA sa mga ahensiya ng gobyerno at mga pribadong institusyon, na tanggapin ang PhilID sa mga transaksiyon o maharap sa pagmumultang aabot sa P500,000 sa ilalim ng PhilSys Act.

Una nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na tinatanggap nila ang national ID sa passport applications.

Please follow and like us: