PhilSys registration, umarangkada na sa Diffun, Quirino
Nagsimula na sa Diffun, Quirino ang Philippine Identification System o PhilSys registration, sa pangunguna ng Philippine Statistics Authority o PSA.
Ayon kay Israel Concepcion, registration center supervisor, ang RA 11055 o PhilSys Act ang siyang batas na nakasasakop sa programang ito na naglalayong makagawa ng iisang ID sa bawat Pilipino, bilang patunay ng ating pagkamamamayan.
Ito ay ipamamahagi ng libre sa bawat residenteng edad 15 pataas.
Sa ngayon ay prayoridad ng registration team ang mga nasa forest region na makapagrehistro, dahil sila ang karaniwang nagkakaroon ng suliranin sa pagpapakita ng valid proof of identification sa kanilang mga transaksyon.
Ang pagpaparehistro ng national ID sa bayan ng Diffun, ay magtatagal hanggang Setyembre.
Ulat ni Edel Allas