PHIVOLCS chief Solidum, itinalaga ni PBBM bilang DOST Secretary

File photo of PHIVOLCS chief Renato Solidum Jr., who was appointed as the new Secretary of the Department of Science and Technology (DOST) by President Ferdinand Marcos Jr.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Philippine Institute of Volcanology and Seismology chief Renato Solidum, Jr., para pamunuan ang Department of Science and Technology (DOST).

Kinumpirma ni press secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles ang pagkakatalaga kay Solidum bilang kalihim ng DOST nitong Biyernes, August 12.


Bago ang kaniyang appointment, si Solidum ay nagsilbi bilang Undersecretary para sa Disaster Risk Reduction-Climate Change Adaptation ng DOST.

Siya ay nasa PHIVOLCS na simula 1984, at naging Director nito noong 2003 hanggang February 2017. Naitalaga siyang Undersecretary ng DOST noong March 2017 at mula noon ay nagsilbi na bilang officer-in-charge ng PHIVOLCS.

Si Solidum ay isang geologist na may BS Geology degree mula sa University of the Philippines. Nagtapos naman siya ng kaniyang M.Sc. in Geological Sciences mula sa University of Illinois sa Chicago at ng kaniyang Ph.D. in Earth Sciences mula sa Scripps Institution of Oceanography, University of California, San Diego.

Pinalitan niya si Fortunato dela Peña na nagsilbi bilang DOST chief sa ilalim ng termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte simula 2016 hanggang June 2022.

Please follow and like us: