PHIVOLCS, nagpaalala ng tamang hakbang tuwing may lindol
Sa kasagsagan ng lindol noong miyerkules, marami sa ating mga kababayan ang tila nakalimutan ang tamang hakbang sakaling makaranas ng malakas na lindol.
Ito ay ang duck or drop , cover and hold.
Pero ano nga ba ang dapat gawin kapag lumilindol at malakas ang uga kung nasa loob ng isang gusali.
Ayon kay Senior science research specialist Johnlery Deximo ng Phivolcs, dapat manatili sa loob at magtago sa ilalim ng lamesa o anumang maaaring magbigay ng proteksyon.
Mahalaga kasi aniya na protektahan ang ating ulo at katawan sa anumang bagay na maaring bumagsak.
Kapag natapos ang pagyanig, saka pa lang maaring lumabas ng gusali pero dapat dumaan sa hagdan.
Kapag nasa sasakyan dapat aniyang umiwas sa mga tulay at mas mabuting huminto at tumabi muna para makaiwas sa aksidente
Kung nasa tabing dagat naman tiyaking nasa mataas na bahagi ng lugar.
Pero ang pinaka importante hindi dapat magpanic.
Mahalaga rin na isapuso at tandaan ang mga paalala tuwing may isinagawang Earthquake drill.
Sinabi pa ng Phivolcs importante rin na maghanda ng go bag na may lamang first aid kit tubig, pagkain at baterya para sa mga hindi inaasahang sakuna.
Paulit ulit ang paalala ng mga awtoridad na seryosohin ang mga paghahanda sa anumang sakuna.
Higit sa lahat huwag magpakalat ng maling impormasyon lalo na sa Social media.
Meanne Corvera