Phl mabagal ang aksyon para mabawasan ang poverty rate – NEDA
Inamin ng National Economic Development Authority na naging mabagal ang aksyon ng Pilipinas para maabot ang target na bawasan ang poverty rate dahil sa pananalasa ng COVID – 19
Kasunod ito ng report ng Philippine Statistic Authority na umabot na sa halos dalawampung milyong mga Pilipino ang
nasa pinakamahihirap.
Pero ayon kay NEDA Secretary General Arsenio Balisacan gagamitin itong barometro ng Gobyerno para bumangon.
Ilan sa nakikitang solusyon ng gobyerno ang hindi na pagpapatupad ng lockdown, pagbubukas ng mga eskwelahan
at paglikha pa ng mas maraming trabaho.
Kung magagawa aniya ang mga reporma maaring maibaba sa single digit ang poverty rate pagsapit ng 2028 .
Meanne Corvera