PHL-Vietnam bilateral trade, palalakasin pa
Courtesy : Presidential Communications Office
Target ng pamahalaan na mapalakas pa ang bilateral trade sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nais nilang mapalawig ang bilateral trade sa Vietnam sa $10 Billion.
Sa ngayon, nasa halos $7 Billion ang halaga ng bilateral trade ng dalawang bansa.
Ang Vietnam ang isa sa pinakamalaking trade partner ng Pilipinas.
Nabatid na ang total trade sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam ay nasa $6.18 Billion noong 2022.
Sa kaniyang pagbisita sa Vietnam, ibinida ng Pangulo ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikatlong quarter ng taong 2023 kaya napabilang ang bansa na isa sa may pinakamalakas na ekonomiya sa Asya.
Moira Encina