Physician Licensure Examination ngayong Nobyembre, tuloy – PRC

Sa kabila ng nagpapatuloy pang banta ng COVID-19 Pandemic, tuloy ang Physician Licensure Examination ngayong Nobyembre.

Ayon sa Professional Regulation Commission, nauunawaan nila at ng Board of Medicine ang pangangailangan ng mga doktor lalo na sa panahong ito ng Public Health emergency.

Pero paalala ng PRC, kailangang sumunod ang lahat sa pinaiiral na health protocols bilang pag iingat sa COVID-19.

Ang mga examinees at examination personnel na suspect cases, mga may history o travel at exposure sa mga symptomatic o asymptomatic at health care workers na posibleng may exposure ay kailangang sumailalim sa RT-PCR test bago ang pagsusulit.

Kung galing naman sa ibang bansa ang examinee dapat itong sumailalim sa 14 na araw na quarantine o magpakita ng negative RT-PCR test result.

Lahat naman ng examination personnel kasama ang mga Security Officers ay kailangan sumailalim sa RT-PCR test.

Sa pagsusulit naman dapat tiyakin na may 2 metrong physical distancing ang mga examinee, magsuot ng face mask at face shield sa lahat ng oras, magdala ng alcohol para sa hand disinfection habang ang mga exam personnel naman ay pinagsusuot ng gloves sa pamamahagi ng test questionnaires.

Pinapayuhan rin ang mga examinee na magdala ng sariling mga gamot, pagkain, ballpen, lapis at pambura.

Madz Moratillo

Please follow and like us: