Physiotherapist sa Buhay ng mga Atleta
Alam naman ng lahat kung gaano kahalaga sa isang atleta na mapanatili ang malakas na pangangatawan.
At kung paano ito mapangangalagaan ng tama, kailangan ng isang manlalaro ang isang physiotherapist.
Dahil dito tinanong natin si Mr. Mark Mabazza, na nagsilbing Assistant Coach at Physiotherapist ng ating National Team para sa 3×3 Basketball Event at nakakuha ng BRONZE MEDAL sa SEA Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.
Ano ba ang physiotherapist?
Ang sabi ni Coach Mark sila ang nagma-manage ng program ng isang atleta, responsable in injury matters just in case may injury during ball games, tumutulong sa conditioning at training ng atleta.
Strengthening the upper and lower extremities ng athlete.
Kaya importanteng may preparation, kasabay ng healthy diet, well- balance exercises, at higit sa lahat ang disiplina para makuha ang goal dahil madadala ito hanggang sa paglalaro.
Sabi din ni Coach Mark na maraming sacrifices na pinagdaraanan ang isang player, kapag nagcompete, at isa na dito ang malayo ka sa pamilya mo.
HIndi lingid na may mga pagkakataon na ang mga player ay physically prepared but not mentally.
Isang halimbawa ang pamilya, malaki ang impact sa performance ng atleta kapag naiisip nilang malayo sa pamilya.
At bilang therapist tinutulungan ang manlalaro na makapagfocus sa training.
Another thing to consider ay rest.
Ang pahinga after practice ay kailangan, may instances na sunod-sunod ang laban, kapag ganito ay binibigyan ng sapat na pahinga, may supplements and food intakes ang mga atleta.
May ginagawa ring treatment for recovery, sumasailalim sa tinatawag na pt (physical therapy) treatment para ma-loosen ang tight muscles o maiwasan ang injury ng atleta. At higit sa lahat ay prayers before and after ng training or games.
Paalala pa niya sa mga atleta, unahin ang disiplina, i-prioritize ang programa ng laro tulad sa kanila ay basketball, at mabuti kung ang pamilya ay laging nakasuporta.