Pigalo Bridge sa Isabela, maaari nang daanan ng mga motorista
Binuksan na ng DPWH sa mga motorista ang bagong Pigalo Bridge sa Isabela na mag-uugnay at magpapaikli ng kalahating oras sa biyahe sa pagitan ng mga munisipalidad ng Angadanan at San Guillermo.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, nagkakahalaga ng 459 million pesos ang Pigalo Mega Bridge na ipinalit sa luma at sira-sirang istruktura na pininsala ng mga bagyong Pedring at Quiel.
Sinabi ng kalihim na mas bibilis at dadali ang transportasyon ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng Angadanan at san Guillermo dahil sa bagong tulay.
Bukod dito, mas magiging madali na rin anya ang pagbiyahe ng mga agricultural products mula sa mga malalayong lugar patungo sa mga commercial hubs sa Cagayan Valley Region.
Ulat ni Moira Encina