‘Pila-balde’ asahan dahil sa epekto ng El Niño
Hindi malayong maranasan muli ng publiko ang ‘pila balde’ sa mga susunod na araw dahil sa napipintong water shortage sa bansa.
Ito ang ibinunyag ng Department of Science and Technology – Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) sa briefing sa Malacañang.
Sinabi ni DOST-PAGASA Deputy Administrator Esperanza Cayanan na tumaas sa 80% ang probability ng El Niño sa darating na Hunyo, Hulyo at Agosto at tataas pa sa 86% sa Nobyembre hanggang Enero ng 2024.
Sa Mayo, sinabi ng DOST-PAGASA na nasa 70% ang probability ng El Niño kaya’t unti-unti nang mararanasan ang kakulangan sa supply ng tubig, partikular sa Metro Manila.
Aminado si Cayanan na napaaga ang pagpapalabas nila ng El Niño watch upang maabisuhan agad ang publiko na maghanda sa napipintong epekto ng tagtuyot sa supply ng tubig.
Sa Mayo inaasahang magpapalabas ang ahensya ng El Niño alert.
“So habang may ulan tayo ngayon, mag-conserve tayo. Lahat siguro tayo pati iyong
mga ordinaryong Pilipino sa ating tahanan, ayusin natin iyong paggamit ng tubig para
naman iyong consumption natin ay hindi lumaki and later on, kukulangin tayo,”
paliwanag pa ni Canayan.
Kinumpirma naman nina Undersecretary Ariel Nepomuceno ng Office of Civil Defense (OCD) at acting administrator Eng. Eduardo Guillen ng National Irrigation Authority (NIA) na tinalakay sa isinagawang sectoral meeting sa Malacañang ang kahandaan ng iba’t ibang ahensya sa epekto ng El Niño phenomenon.
Sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ipinatitiyak ang whole-of-government
strategy para pakiharapan ang problema.
“Nagbigay po kanina ng malinaw na instructions or utos ang Pangulong Bongbong Marcos na palakasin pa ho natin iyong paghahanda doon sa inaasahang masamang epekto ng El Niño,” pahayag ni Nepomuceno.
“Ang ibig sabihin, iyong mga ahensiya na dapat maghanda kaagad ay ang sa Department of Health (DOH), paghandaan natin iyong mga usual sicknesses or mga sakit na madalas na dumarating at hinaharap ng bansa tuwing mayroong phenomenon ng El Niño o iyong kakulangan ng ulan.”Sa side naman po ng NIA, of course, sa aming agency may mga programs po kami sa
mga water pumps na distribution ano po. With specific naman po doon sa convergence
efforts, mayroon din pong fund ang DPWH sa mga solar pumps and sinasamantala na