Pila sa mga vaccination site sa Maynila mahaba parin sa kabila ng malakas na ulan
Dagsa pa rin ang mga kababayan nating nais magpabakuna sa mga vaccination site sa Maynila sa kabila ng patuloy na pag-ulan.
Gaya nalang sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo, na maaga palang ay mahaba na ang pila ng mga magpapabakuna.
Ang ilan nagtitiyaga sa payong bilang proteksyon sa ulan, ang iba naman ay nakasilong sa covered court.
Ganito rin ang sitwasyon sa Ospital ng Tondo na mahaba ang pila ng mga nais magpabakuna.
Sa araw na ito, tig 500 doses ng COVID 19 vaccine ang inilaan ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa mga nais magpabakuna mula A1 hanggang A5 priority group.
Sa San Andres Sports Complex naman, ginawa ng 2 libong doses ang inilaang bakuna matapos magkaroon ng kaguluhan kahapon kung saan nagpilit makapasok ang mga nais magpabakuna na hindi umabot sa cut off.
May 1 st dose vaccination rin pero ito ay para sa A2 o senior citizens lamang na gagawin naman sa 12 sites sa 6 na distrito sa lungsod.
Bawat isang site may tig 1,500 doses ng bakuna.
Madz Moratillo