PHL, ‘di matutulad sa Europa na tinamaan ng 2nd wave ng COVID-19 kasunod ng pagluluwag ng restrictions – Malakanyang
Kumpiyansa ang Malakanyang na hindi matutulad ang Pilipinas sa ilang bansa sa Europa na tinamaan ng second wave ng Covid-19 Pandemic matapos magluwag ng mga patakaran.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na malaki ang awarenes ng mga pinoy sa mga ipinatutupad na standard health protocols para maiwasang mahawa sa covid 19 kumpara sa mga tao sa Europa na masyadong liberated sa pagsunod sa mga patakaran tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask, face shield palagiang paghuhugas ng kamay at social distancing.
Ayon kay Roque mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay pumayag na maging modelo sa infomercial ng pamahalaan sa kampanya sa standard health protocol na mask, hugas, iwas sa Covid-19.
Ang pahayag ni Roque ay bilang tugon sa babalang inilabas ng University of the Philippines Octa Research Team na posibleng tamaan ng second wave attact n Covid-19 ang Pilipinas tulad sa mga bansa sa Europa dahil sa pagluluwag ng mga patakaran upang gumanana ang takbo ng ekonomiya.
Inihayag ni Roque maliwanag ang hakbang ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter Agency Task Force o IATF na Ingat Buhay para Makapaghanap Buhay na mahigpit na sundin ng publiko ang mga standard health protocol.
Vic Somintac