Pilipinas at Albania palalakasin ang economic at cultural cooperation
Nagkasundo ang Pilipinas at Albania na ipursige ang mas malalim na kooperasyon sa ekonomiya, kultura at politika.
Ito ay sa pakikipagpulong ni Philippine Ambassador to Albania Neal Imperial kay Albanian President Bajram Begaj.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sumangayon si Ambassador Imperial sa panawagan ni President Begaj na paigtingin ang economic at trade exchanges ng Pilipinas at Albania.
Binanggit ng ambassador ang mabilis na paglago ng turismo at construction sectors ng Albania.
Pinasalamatan din ni Imperial ang pagtanggap ng Albania sa nasa 400 Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho sa Albania.
Kaugnay nito, ipinunto ng Philippine envoy ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bilateral labor cooperation para maproteksyunan ang karapatan at maisulong ang kapakanan ng mga Pinoy na manggagawa sa Albania.
Ipinagdiwang noong 2022 ang ika-35 taon ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Moira Encina