Pilipinas at Australia, lumagda ng MOU upang palakasin ang National Soil Health Strategy

The Philippines and Australia have signed a memorandum of understanding aimed at strengthening their National Soil Health Strategy./PCO/

Nilagdaan ng Pilipinas at Australia ang isang memorandum of understanding (MOU) nitong Biyernes, Setyembre 8, sa hangaring palakasin ang kanilang national soil health strategy.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sa ilalim ng MOU sa pagitan ng Department of Science and Technology at ng Australian Embassy, ang dalawang bansa ay magsasagawa ng scientific at technological cooperation sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga pagkakataon para sa collaborative research sa soil at land management.

Sinabi pa ng PCO, na nagkasundo rin ang dalawang bansa na suportahan ang mga mananaliksik, policy-makers at iba pang stakeholders upang “itatag at pagbutihin ang kapasidad sa soil knowledge and management kabilang na ang pag-aalok ng short courses, scholarships, at iba pang naaangkop na capacity-building mechanisms.”

Sa ilalim ng MOU, ang dalawang bansa ay “magkasamang mag-oorganisa at susuporta sa mga pagpupulong, workshop at symposia upang makipagpalitan ng kaalaman, impormasyon at mga aral sa agham at teknolohiya, strategy development, at pagbibigay-priyoridad bilang suporta sa National Soil Health Strategy,” habang dinaragdagan naman ang mga pagkakataon para sa mga eksperto na “magbahagi ng kaalaman at mga aral sa pagbuo at pagpapatupad” ng naturang estratehiya.

Nakasaad pa sa MOU, “This collaboration will be anchored in trust, respect, and commitment to supporting each other for mutual benefit.”

Magkakabisa ito sa loob ng limang taon maliban na lamang kung maagang mahihinto.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *