Pilipinas at China, kumpiyansang hindi mauuwi sa digmaan ang isyu sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Phil. Sea
Nagpahayag ng pagtitiwala sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na hindi mauuwi sa digmaan ang gusot sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagkakaisa ang pananaw nina Pangulong Duterte at President Xi Jinping sa kanilang bilateral meeting sa Beijing na madadaan sa diplomasyang usapan ang anumang hindi pagkakaunawaan ng Pilipinas at China sa West Philippine sea partikular ang isyu sa Pag-asa Island.
Ayon kay Panelo aminado sina Pangulong Duterte at President Xi Jinping na hindi maiiwasan ang pagtatalo at hamon sa bilateral relations ng Pilipinas at China subalit madaan parin ito sa usapan gamit ang mga mekanismo ng diplomatic bilateral negotiations.
Inihayag ni Panelo na ginamit pang halimbawa ni President Xi Jinping ang nilagdaang Memorandum of Understanding ng Pilipinas at China sa Joint and Oil Exploration sa West Philippine sea kung saan isinantabi ng Pilipinas at China ang hindi pagkakaunawaan.
Niliwanag ni Panelo na hanggat umiiral sa pagitan ng Pilipinas at China ang mutual understanding at pagtitiwala sa relasyon ng dalawang bansa mamamyani ang kapayapaan sa West Philippine sea.
Ulat ni Vic Somintac