Pilipinas at Colombia, unang dalawang bansa na lalahok sa WHO Solidarity Trial sa COVID-19 vaccines ngayong Enero
Isa ang Pilipinas sa dalawang bansa na unang lalahok sa World Health Organization (WHO) Solidarity Trial ngayong Enero.
Ayon kay Philippine vaccine czar Carlito Galvez, Jr. Ang isa pang bansa na lalahok din sa WHO Solidarity Trial ay ang Colombia.
Sinabi ni Galvez, na 15,000 katao mula sa Metro Manila ang lalahok ngayong buwan sa WHO Solidarity Trial na pangangasiwaan ng Department of Science and Technology (DOST) at ng Philippine General Hospital.
Aniya magkakaroon ng “full evaluation” sa kaligtasan at bisa ng “candidate vaccine” na gagamitin sa WHO Solidarity Trial, na inilunsad ng organisasyon at ng mga partner nito para makatulong sa paghahanap ng effective treatment para sa COVID-19.
Ayon sa WHO, isa ito sa pinakamalaking international randomized trials para sa COVID-19 treatments, kung saan naka-enroll ang halos 12,000 mga pasyente sa 500 mga ospital sa higit 30 mga bansa.
“The Solidarity Trial is evaluating the effect of drugs on 3 important outcomes in COVID-19 patients: mortality, need for assisted ventilation and duration of hospital stay,” dagdag pa ng WHO.
Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na hindi dapat pansinin ng publiko ang mga kalaban ng gobyerno na nagsasabing hindi sapat ang ginagawa ng pamahalaan para labanan ang COVID-19, dahil mismong ang WHO na aniya ang nagsabi na ang Pilipinas ay nasa tamang landas sa paglaban sa sakit.
Gayunman, wala pang binabanggit kung anong vacine candidate ang gagamitin sa WHO Solidarity Trial sa Pilipinas at Columbia.
Liza Flores