Pilipinas at Japan tinalakay ang posibleng kooperasyon sa nuclear energy
Nakipagpulong ang delegasyon ng Pilipinas sa Ministry of Economy, Trade and Industry (METI) ng Japan kung saan tinalakay ng dalawang panig ang ukol sa nuclear energy.
Bahagi ito ng final leg ng Scientific Visit of Advanced Nuclear Technology na inorganisa ng JAIF o Japan Atomic Industrial Forum, Inc. (JAIF) International Cooperation Center (JICC).
Ang delegasyon ng Pilipinas ay binubuo ng mga opisyal mula sa Department of Energy (DOE), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Science and Technology – Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI), at National Power Corporation (NAPOCOR).
Pinagusapan ng dalawang bansa ang posibleng areas of cooperation sa enerhiya.
Iprinisinta rin ng DOST- PNRI ang status ng nuclear power production ng Pilipinas habang ibinahagi ng Japan ang kasalukuyang sitwasyon ng nuclear energy utilization doon.
Tiwala naman si Ambassador-designate Mylene Garcia-Albano na lalong uunlad ang energy cooperation ng Pilipinas at Japan.
Tiniyak ng embahada ang pagsuporta nito para maitaguyod ang kooperasyon at pagtutulungan ng dalawang bansa sa sektor ng enerhiya.
Moira Encina