Pilipinas at Papua New Guinea lumagda sa kasunduan para palakasin ang kooperasyon sa Agrikultura
Nagkasundo ang Pilipinas at ang Papua New Guinea na palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng agrikultura.
Ito ang bunga ng bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Papua New Guinea Prime Minister Peter O’ Neill.
Lumagda ang dalawang lider sa Joint declaration of Agricultural cooperation na tututok partikular sa Rice production.
Maliban sa Agrikultura, natalakay din sa bilateral meeting nina Duterte at O’Neill ang usapin kaugnay sa security cooperation, trade and investments at people-to-people exchanges.
Sa panig naman ni O’neill, nagpasalamat ito sa Pilipinas sa kontribusyon nito sa Papua New Guinea partikular ang mga Pinoy workers sa kanilang bansa na aniya ay nasa larangan ng technical support, edukasyon at kalusugan.
===============