Pilipinas at SoKor lumagda ng kasunduan para sa $3B loan package
Makatatanggap ang Pilipinas mula sa South Korea ng hanggang US$3 billion na loan assistance para sa mga development cooperation projects.
Ito ay matapos lagdaan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Korean Ambassador to the Philippines Kim In Chul ang framework arrangement sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Korea para sa loans mula sa Economic Development Cooperation Fund para sa mga taong 2022 hanggang 2026.
Ang Republic of Korea (ROK) ang ika-anim sa pinakamalaking source ng Pilipinas ng Official Development Assistance (ODA) loans noong 2021.
Sa nasabing loan assistance kinuha ang pagpapagawa sa ilang malalaking infrastructure and development projects sa Pilipinas gaya ng Phase 2 ng Jalaur River Multipurpose Dam Project na nagkakahalaga ng PhP 11.2 billion.
Ilan sa malalaking loan projects na paglalaanan ng bagong assistance ay ang Ilocos Norte at Abra Irrigation Project at flood control projects sa ilalim ng Philippine-Korea Project Preparation Facility.
Moira Encina