Pilipinas at South Africa may kolaborasyon sa science & technology
Magtutulungan ang Pilipinas at South Africa sa larangan ng Science, Technology and Innovation (STI).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakipagpulong si Philippine Ambassador to South Africa Noralyn Jubaira Baja kay Deputy Director General Daan du Toit ng Department of Science and Innovation ng South Africa.
Pinag-usapan ng dalawa ang paglalatag ng daan at pagkakaroon ng partnership ng Pilipinas at South Africa sa nasabing larangan.
Bilang inisyal na hakbangin, nagkasundo sina Ambassador Baja at Deputy Director General Daan du Toit na magtulungan para mapabilis ang paglagda sa Agreement on Scientific and Technological Cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Magsisilbing framework ang kasunduan para sa kooperasyon at kolaborasyon ng Pilipinas at South Africa sa mahalagang sektor ng science, technology and innovation.
Moira Encina