Pilipinas at US nagkasundo sa bagong joint vision para mapalakas pa ang alliance cooperation ng dalawang bansa
Nagdaos ng 9th Bilateral Strategic Dialogue ang US at Pilipinas sa Washington D.C.
Nakaharap sa dalawang araw na dayalogo nina Assistant Secretary of State Daniel Kritenbrink at Assistant Secretary of Defense Ely Ratner ang kanilang counterparts sa Pilipinas.
Kabilang dito sina Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, Foreign Affairs Undersecretary Ma. Theresa Lazaro at Defense Undersecretary Cardozo Luna.
Sa pagpupulong, pinagtibay muli ng dalawang panig ang kanilang committment sa kapayapaan, seguridad at economic prosperity sa Asia Pacific Region.
Nagkasundo rin ang US at Pilipinas sa bagong joint vision na lalong magpapalakas sa kooperasyon ng dalawang bansa sa harap ng mga panibagong hamon dala na rin ng COVID-19 crisis.
Gayundin, napagpasyahan ng parehong panig ang pag-rebyu, update at follow up sa kanilang action plans sa key areas of cooperation.
Ilan pa sa mga tinalakay sa dayalogo ang mga konkretong hakbangin para mapalalim pa ang economic relationship ng Pilipinas at Amerika.
Ito ay sa pamamagitan ng kooperasyon sa science and technology, fisheries, at imprastraktura upang mapabilis din ang economic recovery mula sa pandemya.
Moira Encina