Pilipinas bird flu free na ayon sa DOH
Nagtapos na ang surveillance period at napatunayan na walang bagong bird flu cases sa bansa na naitala ng Department of Health.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, pagkatapos ng culling period , bird flu free na ang bansa.
Magugunita na tinapos na ng Department of Agriculture ang culling activities nito kaugnay ng bird flu outbreak na kauna unahang naranasan ng bansa.
Sinabi ni Ubial na sa panahon ng culling period, lahat ng mga taong kasama sa nabanggit na aktibidad ay isinama sa surveillance ng DOH at araw-araw ay minomonitor ang kanilang temperatures, at sintomas ng bird flu tulad ng ubo, lagnat, pananakit ng lalamunan, muscle pains at iba pa.
Lahat naman aniya na namonitored na may sintomas ay binigyan agad ng prophylaxis habang ang mga suspected cases ay sumailalim sa testing ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM.
Ulat ni : Anabelle Surara