Pilipinas, bubuksan na sa mga dayuhang turista
Inihayag ng Bureau of Immigration, na papayagan nang makapasok sa bansa ang mga dayuhang turista sa sandaling buksan na ng bansa ang borders nito sa Pebrero 10.
Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, na ito ay alinsunod sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), na maaari nang pumasok sa bansa ang mga dayuhang turista na fully vaccinated na.
Kailangan lamang nilang magpakita ng valid passport at patunay na sila ay fully vaccinated na laban sa Covid-19.
Dapat din silang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test na valid ng 48 oras.
Please follow and like us: