Pilipinas, dapat maging matalino sa magiging hatian sa joint oil exploration sa West Phil. Sea

Kailangang maging matalino ang Pilipinas sa gagawing Joint oil exploration sa West Philippine sea.

Ayon kay Political Analyst Prof. Clarita Carlos, mahalaga na malaman at maintindihan ang kahalagahan ng bansa sa nasabing kasunduan, sino ang magbibigay ng makinarya at teknolohiya at paano ang magiging hatian kapag nakakuha ng langis at natural gas.

Aniya, sa sandaling maayos na ang kasunduan ay dapat itong isapubliko upang makita ng taumbayan at walang mandadaya sa proceeds hindi gaya ng nangyari noon sa malampaya project kung saan nasayang lang ang bilyun-bilyong pisong halaga.

Bukod sa China, pito pang bansa ang nag-aalok na makasama sa joint exploration gaya ng Japan, Vietnam at Estados Unidos.

Giit ni Carlos, dapat tingnan ng gobyerno kung sino ang makapagbibigay sa bansa ng mas magandang set-up ng hatian at hindi dapat natatali lang sa iisang bansa gaya ng China.

Let us be smart about it, let’s be intelligent and let us really support the meaning of jointness ibig sabihin dapat pati sa decision-making ay patas. in all levels. Sa makinarya na gagamitin pareho tayong dalawa na magko-contribute at paano yung hatian natin sa produktong makukuha doon, yun ang importante”.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *