Pilipinas dapat magpasa na ng Batas na tuluyang nagbabawal sa paggamit ng mga plastic-Greenpeace

Greenpeace and members of the #breakfreefromplastic movement continue its beach cleanup and brand audit in Freedom Island, Parañaque City. The activity aims to name the companies most responsible for the plastic pollution in our beaches.

Dapat magkaroon na ng National Law o Batas sa Pilipinas para sa implementasyon ng Plastic Ban.

Sa panayam ng programang Eagle Night watch, sinabi ni Abigail Aguilar, campaigner ng Greenpeace Southeast Asia-Philippines, sa pamamagitan ng isinagawa nilang Brand audit natuklasan nilang nsa 12 global at local brand na nag-o-operate sa bansa ay malaki ang kontribusyon sa pagkakaroon ng plastic pollution sa bansa.

Dahil dito, mas pinaigting pa ng Greenpeace ang pagsusulong ng Single use plastic ….upang malaman ng publiko ang malalang problemang kinaharap ng Pilipinas sa plastic.

Binigyang-diin ni Aguilar na hindi sapat ang Recycling para maibsan ang problema sa plastic pollution sa buong mundo kundi Reduction.

“Maaari tayong magtulungan sa pagdevelop ng alternative delivery packaging or alternative delivery system. Mayroon namang mga ganoong initiative at sila ay mayroon namang napakalaking pondo, bakit hindi nila ilaan sa pagtuklas ng mga better packaging at mga kapalit na sistema para hindi na mag-produce ng plastic”.

 

 

====================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *