Pilipinas dapat manindigan sa ruling ng The Hague sa isyu ng West Phil Sea
Inaasahan na ng mga Senador na hindi isusuko ng China ang kanilang posisyon sa isyu ng West Philippine Sea kahit pa nakipag-usap na si Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ni Senador Panfilo Lacson sa umano’y pagmamatigas ng China matapos ungkatin ng Pangulo sa kaniyang pagbisita sa Beijing ang ruling ng United Nations Arbitral Tribunal noong 2016.
Ayon kay Lacson, anuman ang namagitang pagkakaibigan kina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping, hindi aniya nangangahulugang magbabago na ang posisyon ng China.
Naniniwala naman si Senador Joel Villanueva na dapat igiit ng gobyerno ang ruling ng Tribunal at ipakita na ang West Philippine Sea ay bahagi ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
Nagpapasalamat si Villanueva dahil binanggt ito ng Pangulo sa kaniyang meeting kay Xi.
Ulat ni Meanne Corvera