Pilipinas, dinarayo pa rin ng mga turista sa kabila ng kaguluhan sa Marawi at Resorts World attack- DOT
Marami pa ring mga dayuhang turista ang nagtutungo sa Pilipinas, sa kabila ng magkasunod na kaguluhan sa Marawi at ang pang-aatake ng lone gunman sa Resorts World Manila.
Ito ang nilinaw ng Department of Tourism.
Ayon kay DOT Sec. Wanda Teo mayroon pa ring mga turista ang nagtutungo sa bansa partikular sa Cagayan de Oro, Davao at Siargao.
Pinakamarami aniya rito ay mga Korean at sinundan ng mga Chinese.
Sinasabi nila sa mga operator sa abroad na ligtas pa rin naman sa Pilipinas kung saan kailangan lamang tignan ang tunay na sitwasyon.
Sa ngayon, naniniwala ang DOT na pansamantala lamang ang magiging epekto sa turismo ng Pilipinas ang magkasunod na kaguluhan.