Pilipinas, handang harapin ang Lambda variant ng Covid-19, ayon sa Malakanyang
Walang magagawa ang Pilipinas kundi paghandaan ang posibleng pagpasok sa bansa ng Lambda variant ng COVID 19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kung papaano hinaharap ng pamahalaan ang Delta variant ng COVID 19 ay ganundin haharapin ang Lambda variant.
Ayon kay Roque parehong estratihiya ang gagamitin ng gobyerno para makontrol ang pagpasok sa bansa ng Lambda variant ng COVID 19.
Inihayag ni Roque ang isa sa pinakamabisang paraan para hindi makapasok sa bansa ang Lambda variant ng COVID 19 ay mahigpit na border control tulad ng pagpapatupad ng travel restriction sa mga bansang mayroong naitatalang kaso ng naturang bagong variant.
Batay sa report ang Lambda variant ng COVID 19 ay naunang naitala sa bansang Peru at unti-unti na rin itong kumakalat sa ibang bansa kasama na ang Estados Unidos ng Amerika kaya ito ay itinuturing na ng World Health Orgnization na variant of concern dahil sa characteristics nito na posibleng hindi tumalab ang mga kasalukuyang ginagamit na anti COVID-19 vaccine.
Vic Somintac