Pilipinas handang tumanggap ng mga refugee mula sa Afghanistan – Malakanyang
Bukas ang pamahalaan sa pagtanggap ng mga refugee galing Afghanistan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na welcome ang sinumang asylum seekers dito sa bansa.
Inihalimbawa ni Roque noong mga nakalipas na panahon na tumanggap ang bansa ng mga refugee o mga naghahanap ng asylum galing Vietnam at noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig na pinatuloy sa bansa ang mga Hudyo.
Ayon kay Roque lahat ng nangangailangan ng kalinga at ginigipit sa kanilang bansa ay mayroong lugar sa Pilipinas.
Sa ngayon maraming mga Afghan nationals ang nagnanais na makalabas ng kanilang bansa dahil sa pangamba sa kanilang buhay at sa naghihintay na uri ng pamumuhay sa ilalim ng bagong Taliban government.
Vic Somintac