Pilipinas hangad ang mas malakas na partnership sa World Food Programme
Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na palalakasin ang partnership sa pagitan ng Pilipinas at ng World Food Programme (WFP), bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na labanan ang malnutrisyon at kagutuman.
Sa courtesy visit ni WFP Executive Director Cindy McCain sa Palasyo ng Malacañang ay sinabi sa kaniya ng pangulo, “The strategies that you’ve brought to us are really quite – they’re very insightful.”
Sinabi pa ng Pangulo kay McCain, na sa Pilipinas, bumuti ang mga insidente ng gutom at malnutrisyon kung saan ang gobyerno ng Pilipinas ay lumipat na mula sa pagbibigay lamang ng suplay ng pagkain sa pagtiyak ng aktwal na nutrisyon sa pamamagitan ng “Walang Gutom 2027: FoodStamp Program,” isang na isang flagship program upang tugunan ang malnutrisyon at gutom.
Dagdag pa ng Pangulo, “Food supply is for the most part, I would say sufficient. But what we’ve learned over the years is how to take care of ourselves. And again, especially for the kids.”
Sa kaniya namang parte, ay pinuri ni McCain ang pananaw ng gobyerno para sa bansa.
Sinabi ni McCain kay Pangulong Marcos, “I think it’s very important that your foresight in implementing our school, feeding programs and become self-sufficient in the long run. So we love that program.”