Pilipinas hindi kumalas sa Rome Statute na natatag ng International Criminal Court ayon sa Malacañang
Niliwanag ng Malakanyang na hindi kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag ng International Criminal Court o ICC. Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mali ang terminong ginagamit ng mga kritiko ng administrasyon kumalas ang Pilipinas sa ICC. Ayon kay Panelo kung tutuusin kailanman ay hindi napasailalim ng ICC ang Pilipinas. Niliwanag ni Panelo na hindi naging binding ang pagpirma ng Pilipinas sa Rome Statute dahil hindi ito dumaan sa proseso ng publication sa bansa. Inihayag ni Panelo ang notice na ipinadala sa United Nations ay pagpapahayag na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas at hindi notice ng pagkalas sa kasunduan. Iginiit ni Panelo na tama ang paninindigan ni Pangulong Duterte na hindi kilalanin ang ICC sa hurisdiksyon nito sa Pilipinas dahil walang bisa ang pagpirma ng gobyerno natin sa Rome Statute
Ulat ni Vic Somintac
Please follow and like us: