Pilipinas hindi magpapatupad ng travel ban sa Hongkong sa kabila ng malalang kaso ng COVID-19
Hindi isasara ng Pilipinas ang pintuan sa Hongkong sa kabila ng malalalang kaso ng COVID- 19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na tuloy parin ang flights ng mga eroplano mula Pilipinas papunta sa Hongkong and vice versa.
Niliwanag ni Nograles maliban na lamang kung mismong Hongkong government ang magsasara ng pintuan para sa mga pinoy na galing sa Pilipinas.
Inihayag ni Nograles maging ang mga pinoy partikular ang mga Overseas Filipino Workers o OFWS na nasa Hongkong na nagnanais makauwi sa Pilipinas ay papayagan na makapasok sa bansa.
Nauna rito tinutulungan na ng pamahalaang Pilipinas sa pamamagitan ng Philppine Overseas Labor Office o POLO ang mga OFWS sa Hongkong na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Nograles pinapayuhan ng pamahalaan ang mga pinoy na magtutungo sa Hongkong na dapat fully vaccinated o kaya ay may booster shot laban sa COVID- 19.
Vic Somintac