Pilipinas hindi na muna magpapadala ng mga manggagawang pinoy sa Oman
Hindi muna magpapadala ng mga manggagawang pinoy ang Pilipinas sa Oman.
Sa dalawang pahinang resolution ng POEA governing board na pirmado nina Labor Secretary Silvestre Bello III at POEA Administrator Bernard Olalia, nakasaad na iiral ang temporary deployment ban hanggang sa payagan na ng gobyerno ng Oman na makapasok sa kanilang bansa ang mga Overseas Filipino Workers at pinoy travelers.
Una rito, nagpalabas ng ban ang Oman sa mga biyahero na galing sa Pilipinas o dumaan rito sa nakalipas na 14 na araw maliban sa Omani citizens, diplomats, health workers, at kanilang pamilya.
Maliban sa Pilipinas, nagpalabas rin ng entry ban ang Oman sa mga galing sa Sudan, Brazil, Nigeria, Tanzania, Sierra Leone, Ethiopia, United Kingdom, India, Pakistan, Bangladesh, Egypt, Thailand, Malaysia, at Vietnam.
Dahil rito, inirekumenda rin ng Department of Foreign Affairs sa Department of Labor and Employment na ikunsidera ang suspension ng deployment ng mga OFW patungong Oman.
Madz Moratillo