Pilipinas hindi pa puwedeng alisin ang alert level kontra COVID-19 – Malakanyang
Bagamat patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa hindi pa maaaring alisin ang ipinatutupad na alert level system.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na ngayon pa lamang umaarangkada ang mass vaccination laban sa COVID- 19 sa ibat-ibang panig ng bansa.
Ayon kay Nograles kailangang maitaas pa sa 70 to 90 percent ang mabakunahang palulasyon ng bansa para masabing mayroon ng population protection laban sa COVID-19.
Inihayag ni Nograles sa ngayon tanging ang National Capital Region o NCR pa lamang ang nakaabot sa 100 percent target population ang nabigyan ng anti COVID-19 vaccine.
Niliwanag ni Nograles kung tuluyan ng bababa ang kaso ng COVID 19 sa bansa mananatili parin ang pagpapatupad ng alert level system upang mananatiling nakokontrol ng pamahalaan ang sitwasyon.
Vic Somintac