Pilipinas hiniling sa appeals chamber ng ICC na suspendihin ang imbestigasyon sa drug war
Naghain na ang gobyerno ng Pilipinas ng apela sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa desisyon nito na ituloy ang imbestigasyon sa giyera kontra droga ng bansa.
Ang appeals brief ay isinumite ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Appeals Chamber ng ICC.
Sa 51- pahinang apela, hiniling ng Pilipinas sa ICC na suspendihin ang plano nitong drug war probe habang pending pa ang resolusyon sa apela.
Nais din ng Pilipinas na baligtarin ng Pre – Trial Chamber ang desisyon nito na iotorisa ang imbestigasyon sa war on drugs.
Muling iginiit ng pamahalaan ng Pilipinas na kumalas na ito sa Rome Statute kaya wala nang hurisdiksyon ang ICC sa sitwasyon sa bansa.
Ayon pa sa apela, nagkamali ang Pre- Trial Chamber sa pagsasabi na may hurisdiksyon ito sa bansa dahil sa State Party pa umano ang Pilipinas sa panahon ng sinasabing krimen.
Mali rin umano ang ICC sa pagsabing na nananatili ang obligasyon ng Rome Statute kahit na nag-withdraw na rito ang Pilipinas
Moira Encina