Pilipinas idineklarang blacklisted para sa mga Tourist Chinese Nationals dahil sa POGO
Idineklara na ng Chinese government na kabilang ang Pilipinas sa mga blacklisted sa tourist sites para sa mga chinese national.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri ang impormasyong ito ay ipinaalam sa kanya ni Chinese Ambassador Huang Xilian matapos itong bumisita kahapon sa Senado.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means isyu ng pakinabang ng gobyerno sa POGO operations, sinabi ni Zubiri na ginawa ito ng China dahil hindi nila alam kung ang isang Chinese national na nagtutungo sa Pilipinas ay nasa POGO operations at kasama ba sa mga iligal na aktibidad na ginagawa ng mga sindikatong nag-ooperate ng POGO.
Sinabi ni Zubiri na ito rin ang dahilan kaya bumaba ang bilang ng chinese tourists na bumibisita sa Pilipinas.
Sinabi aniya ni Huang Xilian na ang mga bansang papayagan ang POGO operations ay mapapabilang rin sa kanilang blacklist para protektahan ang kanilang mamamayan.
Meanne Corvera